Agosto 31, 2018 - Agosto 31, 2019

Mahal ko, isang taon na, isang taon na ng sinimulan nating mahalin ang isa't-isa, isang taon na magmula ng sinabi monng "let's settle this" di ko akalain na ang crush ko noon magiging jowa ko ngayon. Kung dati hanggang tingin lang ako sayo, ngayon hawak-hawak na kita.

Alam mo mahal ng gabing nag tapat ka ng iyong damdamin, di ko alam ang aking gagawin, kahit na nagdadalawang isip ako kung totoo ang nararamdaman mo, na baka sakit lang ang makuha ko, na baka sa huli'y iiyak lang ako, ngunit sa kabila ng mga negatibong bagay na tumatakbo sa isip ko, isa lang ang alam ko habang pakiramdam ko'y natigil ng sandali ang pag-ikot ng mundo, yun ay "dream come true".

Mahhaall kooo isang taon naaa tayooo, isang taon ng pagmamahalan, isang taon ng asaran, isang taon ng away, ng lungkot, at sa loob ng isang taon napaka rami nating alaala na na natipon.Mahal ko, di ko alam kung hanggang saan aabot ang relasyon nating pero pero isa lang ang sigurado ako, babaunin ko lahat ng alaala nating dalawa.

Mahal ko maraming salamat sa paglaan ng oras at pagbibigay ng pagmamahal sakin sa kabila ng distansya nating dalwa,sa kabila ng pagiging makasarili ko, sa mga pagkukulang ko, kahit minsan mahirap akong intindihin you really never fail to make me feel that I am loved.

Mahal kooo akalain mo yung kay bilis pala ng takbo ng oras, parang kahapon lang ay nag tampo ako sayo kasi di ka naka dalo sa kaarawan ko, ngayon isang taon na tayo~isang taon na ang nakalipas mila ng ipagdiwang sa UKNHS ang buwan ng wika, unang araw na nagkaroon tayo ng litrato. yun ang unang beses na tinawag mo akong "bhe" HAHHAHAHAHAHA, di ko akalain na sa darating na gabi mapapasakin ka na.

whew!sa kabila ng mga naging problema natin, sakabila ng mga away, pagseselos, tampuhan we made it! alam ko hindi ito ang huli and this is not our goal peroo ito ang unang beses na nakaranas ako ng ANNIVERSARY, mahal ko salamat, salamat dahil hindi ka sumuko, salamat dahil di moko iniwan.

Mahal ko alam ko sobrang ikli ng isinulat ko, patawad namann kung madi- disappoint kita, patawad kung sobra akong naging busy sa school ha, patawad kung di ako masyadong nakakapglaan ng oras sayo, patawad dahil hindi ako naka bili ng regalo na dapat ibigay sayo ngayon, patawad kung hindi ko napagandaan ang ang ating anibersaryo, alam ko napaka espesyal ng araw na ito para sa ating dalawa, pero imbis na maging masaya nabahidan ng kaunting kalungkutan, ngunit hindi naman ito hadlang para di tayo magdiwang.

Happy 1st Anniversary mahal ko,akalain mo yun, may kasabay ka saking nanligaw pero ikaw yung pinili koHAHAHHAH ksi ng let's settle this jkkkk. mahal ko, magpakatotoo lang tayo sa isa't -isa ha, walang taguan ng sikreto, walang iwanan, walang bibitaw mahal kooo, may pangako ka pa saking papakasalan moko ehhhhh.

Sa dinami-dami ng pinangako mo sakin yun at yun lang yung hinihintay kong matupad.

Mahal ko, mag-iingat ka parati ah, alagaan mo ang sarili mo kung wala ako, always PRAY and PRAY and PRAY. let's put God in the center of our relationship :>

Yan nalang munaaa haaaaa, malungkot man kung iisipin ngunit kailangan ko na itong tapusin. Mahal ko, sa muli Happy 1st Anniversary to us, More years to come.

i love you.