Alam naman nating lahat na mahirap magparaya
Lalo na sa taong “mahal pa rin siya”
Dahil lagi nating iniisip na sila lang ang magpapasaya sa atin
Pero di natin alam na sila rin pala ang magbibigay ng sakit ng damdamin
Kaya ito na ang pang siyam na tula na isinulat ko para sayo
Magsimula tayo sa isang tanong
Naalala mo pa ba? Kung kailan naging tayo?
Naalala mo pa ba kung saan tayo nagsimula?
Naalala mo pa ba ang ating tawagan?
Naalala mo pa ba ang mga masaya nating alaala? Naalala mo pa ba? O ako lang itong nakaka-alala?
Nung dumating ka sa buhay ko
Ito’y nagbigay ng malaking pagbabago
Hindi na ako yung tamad na tao
Na pasaway na tao na nakilala ng buong mundo
At ipapaalam ko sa iyo ang lahat
Kung bakit para sa’kin ikaw lang ay sapat

Ang pangalan mo ang dahilan
kung bakit ako ganito
Ganito na umiibig ng tapat sayo
Na kahit ang laki ng mundo
Ikaw parin ang gusto ko
At putang ina itong damdamin na to kung bakit ang hirap kang tanggalin sa inlababong puso ko na to!
Na kahit ilang beses akong maghanap ng ka fling
Pero ito’y balewala parin kasi
Ikaw ang tawag nang damdamin
Mahirap ba akong mahalin?
O wala na talagang pag-asa sa atin?
Oo, alam ko na tayo ay kaibigan nalang
Kaibigan na nalang kasi malabo ng mabalik ang ating nakaraan
Ang nakaraan na hindi ko makalimutan

Hindi ako tanga kasi alam ko na wala na talaga tayong dalawa
Pero tanga parin ako kasi binibigay ko parin ang lahat kahit tayo ay tapos na at maswerte kang talaga
Dahil mahal kita nang sobra sobra
At ayaw kong magmahal ng iba
Naghintay at umasa ako simula nong naghiwalay tayo
Alam mo ang eksayted ko noon kasi mag iisang buwan na sana ang ating relasyon
Pero napansin ko na nagbago ang ihip ng hangin nong gabing iyon
Nagbago ka na, at ilang araw ko lang iyon naramdaman na mahal mo rin ako
Kahit hiniwalayan mo ako
Hindi pa rin ako sumuko

Kaya nong dumating ang ika 25 ng Nobyembre 2016 ay naghanda ako
Naghanda ako nang pwede kong ibigay para sayo
Kaya ko nabili ang small size navy blue teddy bear at sa kahapunan ay binigay sayo
Kahit masakit isipin na tayo ay tapos na at parang ako lang ang nakaka-alala na tayo ay mag-iisang buwan na sana
At kahit masakit isipin na nagdiwang ako nang mag-isa
Kaya sabi ko, “bahala na, para naman ito sa kanya at ang importante ay mapasaya ko siya”
Habang pinipigilan kong tumulo ang luha ko mula saking mga mata at habang nakikita kitang umiiyak dahil sa saya
Binisita parin kita ng paulit-ulit
Kahit na ang lagi kong maririnig mula sayo ay ang salitang “Tigilan mo na ako”
Tigilan mo na ako dahil wala na akong nararamdaman para sayo
Kapag sinabi mo na ”tigilan mo na ako”
Ang mga salitang yan ang unang papasok sa isip ko
Ang sakit kaya napa-iyak ako
Naalala ko na naman na
Tapos na pala tayo

Pero hindi ako sumuko kasi umaasa ako na balang araw “baka pwede pa”
Pwede pa na tayoy magkakabalikan na
Pwede pa kitang iingatan habang ikaw ay akin na
Naniwala ako sa tamang panahon
Nagbabasakali na hindi pa ito ang tamang pagkakataon
Para tayo ay muling maging mag ON
Simula sa buwang Agosto gumawa ako ng tula
Ikaw ang dahilan kung bat nasulat ko ang mga ito ng hindi natatagalan
Dahil dito ko lang masasabi sayo na mahal kita
Sa tula ko masasabi nakaya ang tigas ng ulo ko na tigilan ka kasi ako yung taong
Hindi napapagod iparamdam sayo at ipakita
Na ako ay nandito pa
Naghihintay kahit ito ay matatagalan pa at kahit akoy nasasaktan na

Kaya napag-isipan ko na tumigil na at alisin ang nararamdaman ko para sayo
Kasi kahit ilang chat na ang iniwan ko sa inbox mo
Na kahit naka ilang “Hi. I miss you” na ako, balewala parin ito
Dahil di na ako importante sa buhay mo
Sana maging masaya ka na
Dahil tinigilan na kita
Sana maging masaya ka na
Dahil kaibigan nalang kita at hindi na “Mahal pa kita”
Sana makakakilala ka ng isang tulad ko na handang ibigay ang lahat para sayo
Katulad ko na kaya kang hintayin at sayo ay hindi basta-bastang susuko
Na katulad ko na minahal ka ng sobra-sobra kahit sa akin ay wala nang natira.