Maraming klaseng kaibigan na meron tayo sa mundo.

Una. Yung mga kaibigan na nandyan lang pag may kailangan sayo.
Pag manghihingi sila ng papel, besshy na tawag sayo. Pag wala silang sagot, kilalang-kilala ka pero pag di ka naman nila kailangan, wala na.

Pangalawa. Yung mga kaibigang ang bait-bait sayo kapag kaharap mo. Yung todo puri sila sayo pero oras na tumalikod ka na, todo paninira ang sinasabi nila tungkol sayo. In short, mga plastik.

Pangatlo. May mga kaibigan na sobrang close mo dati. Yung tipong hindi na kayo mapaghiwalay kasi sanggang-dikit na kayo pero nung nagkaroon na siya ng bagong kaibigan, kinalimutan ka na niya. Wala na. Hindi ka na niya pinapansin because she have a new circle of friends now.

Pang-apat. Mga kaibigan na kapag nagka-jowa na ay nakalimutan ka na. Hindi na niya namamalayan na mayroon pala siyang bestfriend kasi yung atensyon niya nasa jowa na niya. Nakalimutan ka na niya, girl.

At pang-lima. Mga kaibigan na hinding-hindi ka iiwan kahit anong mangyari. Palagi mong natatakbuhan kapag may problema ka. Palagi mong kasama kapag iniiwan ka nila. Yung kaibigan na kahit may bago na siyang kaibigan ay hindi ka niya nakakalimutan because for her, nag-iisa kalang na bestfriend sa buhay niya. Kahit magkalayo na kayo, hindi niya parin nakakalimutan na kamustahin ka at itanong kung anong nagyayari sayo. Isa lang ang ibigsabihin niyan. She's a true friend and that friend is rare to find so when you find your true friends don't let go of them.