Noong ako'y nasa elementarya
Meron ng koreanovela💟
May mga iba't ibang uri ng istorya
At siguradong mag eenjoy ka.
Nang tumungtong ako sa secondarya
Tinatangkilik ko pa rin sila.
Bakit nga ba? Dahil ba gwapo ang aking mga oppa?😍
Inalam ko ang kanilang kultura. Wow!😱
Ang ganda pala talaga ng South Korea😱
Pangarap ko don na tumira😌
Kasama ang aking mahal na oppa at pamilya.😊😳
Hanggang sa ako ay nagkoleheyo.😋
Marunong na akong mag annyeonghaseyo.🙊
Nakakatawa mga kaklase ko Kasi sabi din nila Anong na sayo?😹
Lagi kong pinag darasal, Sa poong maykapal. 🙏🙏
Sana makita ko rin ang aking mahal.🙏😌
Ang dami ko ng mga karibal
Sana naman hindi sila sagabal.
Hirap maging isang avid fan😫😫
Gagastos ka talaga ng higit pa sa limang daan.💰💸💸
Kahit magutom pa ang aking tiyan 💣
Basta lagi ko silang paglalaanan.
Nasisiraan na daw ako ng bait
Pati magulang ko saakin ay galit
Di ko alam kong bakit? Kumain ba sila nong gulay na mapait?
Korean na lang daw ang aking bukang bibig
Kulang na lang buhusan ako nila ng mainit na tubig
Pero hindi ako padadaig Kasi ganito talaga ako kung umibig.
Pag nagmahal ka ng oppa, Masasabi mong sila lang sapat na.👑🔰
Wala na sanang komontra Kasi ganito talaga kaming feeling koreana.😌✌
Mahal namin sila, Kahit kami di nila kilala.💔
Makita lang talaga namin sila, Kami'y masaya na. 💖
Hanggang sa aking pagtanda
Ako pa rin ay hahanga✋👐
Naging inspirasyon kayo mula
sa simula👏👏
Hinding hindi to mawawala.✋✋
©Karen Dumali •